PKMN-ph.com: Pokemon Philippines Forums - Register PKMN-ph.com: Pokémon Philippines


September 06, 2010, 06:22:57 PM
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?

Login with username, password and session length
 
  PKMN-ph Forum Home Help Search Calendar Login   Register    
Register - Required Information
Choose username:
Used only for identification by SMF.
Email:
This must be a valid email address.
Choose password:
Verify password:
Which word is the same as its color
Anti-bot measure
Yellow Blue Purple Grey
Saligang Batas ng PKMNph ARTICLE 1: Registration

Para sa iyo, nagnanais maging bagong miyembro ng PKMN-ph.com,

Ito ang PKMN-ph.com o ang Pokemon Philippines, ang pinakasikat na tambayan ng mga tulad natin. Sa pagsali at pagsang-ayon sa mga nilalaman nito ng bagong rehistrong miyembro, masasabi naming naiintindihan mo ang bawat mensaheng nakasaad sa sulat na ito.

NAPAKAHALAGA: Kailangan ay maiactivate mo ang iyong account bago mag-isang buwan. Kung hindi, i-dedelete namin ang iyong account ngunit maaari ka muling mag-register ng panibagong account kung nangyari man ito. Para ma-activate, tingnan lamang ang mensahe sa e-mail address na iyong linagay sa account. Kung hindi ito mahanap, maaaring kunin muli ang activation e-mail sa pagpindot nito sa itaas na bahagi ng site.

KONTRATA NG SUMALI SA PKMN-ph.com FORUMS:

1. Alalahanin na ang mga POKEMON RANGERS ang namamahala sa forums (mga miyembrong may Pokeball na may kulay sa avatar at may ranggong "Pokemon Ranger") at hindi nila kaya ang kumpiramahin isa-isa ang bawat post. Hindi nila nababantayan nang lubusan ang mga mensahe at hindi responsable ang mga ranger sa nilalaman ng mga ito. Hindi namin sagot ang katotohanan, kabuuan at kabuluhan ng mga impormasyong makikita rito. Ito'y mga mensaheng nanggaling sa pag-iisip at mga pananaw ng manunulat at hindi ito lagi sumasang-ayon sa pananaw ng mga miyembro, staff, affiliates at ang may-ari ng forum. Sa kung sinumang nakararamdam na nakakasakit ang isang mensahe, ipagbigay-alam ito sa mga RANGERS kaagad. Ang lahat ng RANGERS ay may kapangyarihan at awtorisadong tanggalin ang mga mensaheng napatunayang hindi kanais-nais sa publiko.

2. Ang miyembro ay responsable para sa lahat ng mga pinagsusulat na mga mensahe rito. Maaaring ituro ng mga RANGERS ang miyembrong nagsabi ng mensahe at ipagbigay-alam sa publiko ang iyong pagkatao.

3. May kakayahan ang miyembro na mag-rehistro at mamili ng sariling palayaw na gagamitin sa forums. Dapat nararapat at hindi mapanloko ang pangalan na iyong gagamitin. Sumasang-ayon ka rin na hindi ibibigay ang password sa ibang tao maliban sa administrator para sa ikabubuti ng iyong reputasyon. Hindi mo rin dapat gamitin ang account ng iba sa masamang gawain.

4. Ang mga nakalagay sa profile mo ay purong katotohanan at hindi mapanlinlang. Tatanggalin ang mga nilalaman ng profile na pinagsang-ayunang mapanganib sa mga iba pang miyembro.

5. Ang mga post ay hindi dapat naglalaman ng mga sumusunod:
a. maling mensahe
b. nambabastos na mga remarko
c. nang-aaway na mga salita
d. impormasyong walang katotohanan
e. datos na walang source
f. mapanlait at nakakasakit na salita
g. malaswang nilalaman at mga ukol sa pagtatalik
h. mapanganib na mga impormasyon
i. namamasok sa pribadong buhay
j. materyal na hindi ipinaalam sa may-ari
k. iba pang lumalabag sa 1987 Saligang Batas ng Bansang Pilipinas.


6. Alam mo na rin dapat na ipinagbabawal ang mga sumusunod:
a. mensaheng walang katuturan (spam)
b. pag-post ng sunud-sunod na mga mensahe
c. advertisements na walang pahintulot
d. chain letters
e. pyramid schemes
f. mga solisitasyon
g. mag-post ng mensaheng hindi nakasalin sa Tagalog, Ingles o mga diyalekto ng bansang Pilipinas (hangga't maaari)

7. Tandaan na maaari naming ipagbawal o tanggalin ang iyong accounts mula sa forums kung napatunayan naming nagkasala ka sa kahit anumang nakasaad rito sa mga patakaran. Nakukuha namin ang iyong ginagamit na IP address at maaari naming tawagan ang iyong internet service provider para ipagbawal ang pagsali mo rito kapag ika'y nagkasala.

8. Isama mo na rin na ang software na ito ay naglalagay ng cookie, isang dokumentong naglalagay ng impormasyon (palayaw at password), sa cache ng browser mo. Ito ay para lamang sa pagsisiguro na ika'y nakapasok sa forums. Hindi ito nangongolekta ng mga ibang impormasyon na maaaring nakalagay sa iyong kompyuter.

9. Maaaring magdagdag ng ilang mga patakaran na nakasulat sa Saligang Batas ng PKMN-ph.com  na nakalagay sa board ng Professor Oak's Guide to PKMN-ph.com sa Kabiserang Distrito ng Goldenrod. Pakibasa na rin ito para maliwanagan kayo.

~ Mula sa mga PKMN-ph.com Rangers


Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.11 | SMF © 2006-2009, Simple Machines LLC Valid XHTML 1.0! Valid CSS!
Page created in 0.139 seconds with 14 queries.